By: Kryztel Di Marie D. Branzuela, 9-Aqua
Ang kapaligiran ay napakahalaga sa ating buhay dahil lahat tayo ay umaasa dito, simula noon hanggang ngayon. Paano nalang kung wala ito? Paano tayo mabubuhay sa mundong ito? Dahil kahit moderno na ating panahon ngayon, nangangailangan pa rin tayo sa mga bagay na ang kapaligiran lamang ang makakapagbigay nito.
Sa ayaw at sa gusto natin, dumating na ang tinatawag na "Climate Change" o ang pagbabago ng klima. Ang grabeng ulan, baha, bagyo, tsunami, storm surge, pagguho ng lupa at iba pa ay mga palatandaan ng pagbabago ng klima. Ang malalaking yelo sa Antartika at iba pang parte sa mundo ay unti-unting natutunaw dahil sa pag-init ng mundo. Dahil dito, nangangamba ang mga isla na nasa baba ng lebel ng dagat dahil maari itong mawala. Anu-ano ang mga ginagawa ng mga tao upang matugunan ang lahat ng ito? Ilan sa mga ito ay ang pagpapatupad ng ating gobyerno ng mga proyekto tungkol sa pakikibagay ng tao sa pagbabago ng klima at ang pagtugon upang maiwasan ang mga sakuna dulot sa pag-iinit ng ating mundo. Ang mga halimbawa nito ay ang: Ipinagbawal ang pagtira sa mga lugar na mapanganib sa mga delikadong lugar. Ipinapatupad ang mga proyekto sa pagtayo ng mga Evacuation Center, River Control Projects o ang pagpipigil sa mga ilog, pagpagawa ng Sanitary Landfill upang mabukod at maalagaan ng husto ang mga basura. May mga munisipyo sa ating bansa na ipinagbabawal ang paggamit ng plastik. Sinusuportahan din ang pagtatanim ng mga puno upang maibsan ang mga init ng mundo. Ang mga sangay ng agrikultura ay inuutusan din na gumawa ng mga pagsusuri upang matugunan ang mga problema.
Ang mga problemang dulot ng Climate Change o ang pagbabago ng klima ay marami at mahirarp lutasin. Kailangan ng tulong at pagkilos ng ibang tao. Pwede tayong mag-umpisa sa pagbawas at pagbukod ng ating mga basura. Kailangang nating makibagay sa ating kapaligiran dahil umaasa tayo dito at ang mga tao lamang ang mga makakagawa nito. Sa paraang ito maaari tayong mabuhay ng matagalan. Ang Climate Change ay isa lamang sa mga halimbawa ng mga pangunahing paksa kung paano makibagay ang mga tao sa kanyang kapaligiran.

ang_kapaligiran_ay_pangalagaan._kryztel..docx |