By: Joseph Victor M. Campos, 9-Aqua
Sa kasaysayan ng tao, inilalarawan nito na patuloy na nagbabago ang tao upang makibagay sa kaniyang kapaligiran. Maraming nadiskubre at naimbento ang mga tao para lang patuloy na mabuhay sa kapaligiran niya. Pero sa kasalukuyang mga pagbabago ng tao, tayo rin ba ang nagbabago sa ating kapaligiran?
Kagaya ng itinukoy ko sa itaas na talata, malaki ang naging pagbabago ng tao para lang makibagay sa kapaligiran niya. Sa panahong Paleolitiko, nadiskubre ng tao ang apoy upang magsilbing init pang laban sa lamig. Ito rin ang naging ilaw nila sa dilim. Sa panahong Neolitiko naman, naging mas organisado ang tao. Nanirahan sa isang permanenteng lugar kung saan natuto sila mag tanim at mag-alaga ng hayop para may makain at mapagkunan ng iba pang gamit. Dahil dito mas naging organisado sila ngunit mas nangailangan din sila ng mga likas na yaman upang umunlad. At sa panahon ng Metal mas lalo pa kinailangan ang mga likas na yaman para sa digmaan. Simula sa mga ito, mas naabuso at nasalanta ang mga likas na yaman. Sa hinaharap nag-imbento ang mga tao ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan tulad ng mga sasakyan at air conditioner. Sasabihin ng iba na mahalaga ang mga ito para mabuhay pero, kung titingnan mo, nabuhay naman ang ating mga ninuno ng walang mga ganito. Sinasabi lang natin na mahahalaga ang mga ito dahil sa gusto na gumaan ang pamumuhay natin. Ang mga imbesyon na ito ay nagdudulot ng masasamang epekto sa ating kalikasan, lalo na ang mga pabrika na pinagmulan nila. Sinasayang ang mga likas na yaman. Nilalason ang lupa, tubig, at hangin, na ang dahilan sa pagkamatay ng mga hayop at halaman sa mundo. Binabago nito ang ating klima. At dahil sa mga pagbabago ng ating kapaligiran, tayo rin ay nagbago sa pamamagitan ng paggamit pa sa mga likas na yaman na sanhi sa pagbago muli ng kapaligiran.
Hindi na angkop ang kasalukuyang pakikibagay natin sa kapaligiran kundi sobra na ito at para nalang sa sarali nating pakinabang. Ang pagbabago natin ay nagdudulot sa pagbabago ng sarili nating kalikasan. Tayo'y naiipit sa isang marahas na cycle na, sa huli, ay tayo lang ang mapapahamak. Kailangan baguhin natin ang ating pamumuhay. Kailangan alagaan natin ang ating kalikasan para sa ikabubuti ng ating lahat.